Nagtrending kamakailan si Julia Montes ng inanunsyo ang pagpasok ng aktres sa longest primetime drama na "Ang Probinsyano". Siya ang pinakabagong leading lady ni Coco Martin sa nasabing teleserye.
Sa tanong na kung siya ba ay bida o kontrabida, sagot ng aktres ay both dahil challenge di umano ang teleserye para sa kaniya. Dagdag pa ni Coco, nais nilang maghain ng bago experience para sa manonood upang mas tutukan ito.
Komportable si Julia Montes kay Coco Martin na makatrabaho na nagsimulang mabuo sa kanilang teleserye na A Moment in Time noong 2014. Naging komportable umano sila dahil lagi silang magkasama sa trabaho at mas nakilala nila ang isa't isa dahil dito.
Aminado din ang aktor na nagtangka siya manligaw o mambola noong 14 years old palang si Julia pero nareject siya nito.
Masisimulang magshoot ang aktres para sa 'Ang Probinsyano' kapag nalift na ang ECQ status sa NCR at pwede na muling magtaping.
0 Comments