.

Mel Tianco, natalo sa apela laban sa ABS-CBN

Ibinasura ng Supreme Court ang petition for review ng batikang broadcaster na si Mel Changco na kumukontra sa ilang bahagi ng desisyon ng Court of Appeals tungkol sa illegal dismissal and illegal suspension cases na isinampa at inihain niya laban sa ABS-CBN Broadcasting Corporation.


Ang petition na ito ay kaugnay sa paglabas ni Mel sa TV commercial ng isang detergent powder noong 1995, na mahigpit na ipinagbabawal ng News and Current Affairs division ng ABS-CBN sa kanilang mga news reporter at TV anchor.

Dahil sa paglabas niya dito ay sinuspinde si Mel ng network dahil sa tahasang paglabas sa patakaran ng News department. Nilaban ng broadcaster ang isyu, dahilan para umabot ito sa ilang taong court battle.

Nakasaad sa desisyon na inilabas ngayong June 2022 na nakiayon ang Katas-taasang Hukuman sa partial settlement sa pagitan ni Mel at ng ABS-CBN.

Bahagi ng naturang desisyon: "“The Supreme Court has denied the petition for review filed by newscaster Carmela C. Tiangco assailing the Decision of the Court of Appeals (CA) regarding her complaint for illegal dismissal and illegal suspension against ABS-CBN Broadcasting Corporation (ABS-CBN) in connection with her appearance in a television commercial.”"

Kasama sa settlement agreement ang sahod ni Mel sa loob ng tatlong buwan niyang suspension sa mga programang TV Patrol at Mel and Jay (TV), 13th month pay, at travel allowance.

Humiling din siya ng separation pay, damages, at attorney’s fees.

Ayon sa desisyon ng Supreme Court, na isinulat ni Associate Justice Rodil Zalameda, hindi umano karapat-dapat na makatanggap ng separation pay si Mel dahil hindi siya regular employee ng network at isa siyang independent contractor.

Post a Comment

0 Comments