Ang Maria Clara at Ibarra ay ang kasalukuyang palabas ng GMA-7 tuwing gabi. Tungkol ito sa isang studyante ng kursong nursing na kinukwestiyon ang kahalagahan ng asignaturang Rizal sa propesyong kaniyang kinukuha o tatahakin. Dahil dito ay binigyan siya ng kaniyang professor ng mahiwagang aklat ng "Noli Me Tangere" na nagdala sa kaniya sa panahon ng nasabing aklat. Dito ay kaniyang masasaksihan ng live ang kaganapan sa aklat ni Dr. Jose Rizal.
Image Source: gmaworldwide.tv |
Sa totoo lamang, ay hindi ako panatiko ng GMA-7. Not a fan but not a hater din naman. Ngunit kahit hindi naman ako panatiko ay mayroon akong mga kwentong binibigyang pugay sa GMA-7. Tulad na lamang ng palabas na "Destiny Rose" at "My Husband's Lover". Itong mga palabas na ito ay umere sa telebisyon noong mga panahong hindi pa lubos na sikat sa Pilipinas ang BL Series o hindi pa gaanoong kamulat ang mga tao rito. Hinahangaan ko sila sa pagiging mapusok sa paglalabas ng mga ganitong klase sa drama serye. Nagkaroon din naman ng ganito sa ABS-CBN ngunit sa mga maaiksing kwento lamang tulad sa MMK. Ngunit kahit gaano kaganad ang kwento ngunit ay pagkakagawa ay hindi gaanoong kaappealing ay hindi ko pa rin ito pinanood. Noong mga panahon yaon kasi ay mababa pa ang sinematograpiya ng GMA-7. Hindi ako professional pero mababatid mo ang mababang specs baga.
Dahil na din sa pagkakatanda ko sa mababang specs ng pagkakagawa ng mga palabas sa GMA-7 noon kaya siguro hindi ko na ninais panoorin ang iba pa nilang programa. Pero kung tatanungin niyo ko bakit ako nanood ngayon sa GMA-7 ng Maria Clara at Ibarra? Actually, nakita ko lamang ang trailer sa Facebook at nahiwagahan ako dahil ang mga ganitong konsepto ay mga napapanood ko lamang sa Korean Drama. Ang pagkakagawa ay maganda at pagkakadugtong ng kasalukuyan sa ngayon. Hindi siya tungkol lamang sa noon ngunit hinaluan nila ito ng elemento na mas makakapagpaganda sa daloy ng kwento. Napansin ko din sa trailer na medyo mataas ang sinematograpiya nito tulad noon. Siguro dahil ito ay nasa makalumang panahon kaya mas maraming malalayong kuha upang maipakita ang naturang panahon.
Kahit fan ako ng ABS-CBN matagal tagal na din akong walang nasusubaybayan na drama. More on KDrama na kasi talaga. At simula din ng nagshutdown ang ABS-CBN ay mababatid mong medyo bumaba na ang specs ng kanilang mga drama. Acting wise magagaling pa rin naman ngunit the specs is not that appealing anymore. Moving on, parang ang quality kasi ng drama ay mas umaangat ng bahagya sa GMA-7 kung ang pagbabasihan ay ang Maria Clara at Ibarra.
Maganda din ang pagkakaarte ng mga karakter. Hindi OA ngunit nakakaaliw. Kaya siguro umabot ako sa 15th episode. Pero sa youtube lang ako nanonood. Hindi ko siya pinapanood ng araw-araw. Lingguhan kung baga para hindi masyado nakakabitin. Magaling ang pagkakaarte dito ni Barbie Forteza. Very millenial at gayundin ang mga karakter naman na talagang angkop sa panahon ang galawan. Ang gigil sa mga komprontasyon at sakto lamang. Syempre Tirso Cruz siya, sanay yan magalit sa ABS-CBN. Hehehe.
Hanga din ako dahil mahirap maghanap ng mga makalumang lokasyon at sobra ang research nila para maisagawa ito. Dahil mahirap maghanap ng lokasyon mababatid mo na may lapses ang ilang kuha na isang anggulo lang ang pinapakita upang hindi mabatid na magkaibang lugar na ito. May mga umuulit na lugar din ngunit hindi naman nakakasira sa kwento. Kahit umuulit ang lokasyon ay sinisigurado naman nilang hindi parehas ang mga taong naririto at may ibang anggulo o nagkakaroon ng blurred ang background na din dito. Basta in all , parang K-Drama ang pagkakakuha.
So far so good naman. Grabe din ang views ng drama sa youtube kaya alam mong maganda talaga siya. Very K-Drama ang kuha pero very Filipino dahil sa panahong makaPilipino naman talaga. Ewan ko ba kung nakuha niyo pero, let's see. I can't wait to see how the story wil end. Makakaapekto kaya si Klay sa kwento ng Noli Me Tangere o hindi? Yun ang aking inaabangan.
0 Comments