Tiniyak ni recently elected Senator Robin Padilla na ititigil na niya ang kaniyang showbiz career. Mahalaga umano sa kaniya ang pagtuonan ng pansin ang pagreporma ng batas.
Source: Philippine News Agency |
Huling proyekto na niya sa showbiz ang nakabinbing pelikula na may working title na “Mistah 2” na tungkol sa Marawi bago niya harapin ang fulltime niyang trabaho sa senado. Ayon sa kaniya na nais niyang ipagpatuloy ang pelikulang ito sapagkat parte ito ng ating kasaysayan. Dapat ay 2018 pa inumpisahan ang pelikula ngunit naudlot dahil sa mga pagbabago sa istorya at dahil na din sa pandemiya. Dugtong pa niya na Last movie na raw niya ito.
Nang matanong ng media sa pag-alis ni Mariel papuntang Spain matapos ang election ay wala naman daw issue ang biglaang pag-alis ng kaniyang may bahay kasama ang mga anak. Paglilinaw ni Robin na pumunta ang kaniyang maybahay at anak sa spain para magpilgrimage para malaman daw ng kaniyang mga anak kung saan nagmula ang mga Padilla. Dagdag pa niya na kaya hindi siya nakasama ay dahil na rin sa pagiging Top 1 niya noong nagdaang election kaya kailangan niya umanong paghandaan ang trabahong iniatang sa kaniya.
Hindi pa rin makapaniwala ang Aktor na ngayon ay isa na siyang senator at higit na magtaTop 1 siya sa Senatorial Race. Ayon sa kaniya na ang iniisip niya ay nasa ikasampu hanggang ikalabindalawang pwesto siya kung sakaling siya ay makapasok sa Magic 12. Naniniwala naman siya na ito ay bigay sa kaniya ng Panginoon at para sa kaniya napakaling responsibilidad ang magsilbi sa Bayan.
0 Comments