Matapos Manalo nitong nakaraang halalan bilang kongresita ng ika-unang distrito ng Quezon City ay inamin ng actor na wala siyang planong umalis sa showbiz.
Ayon kay Arjo, ang showbiz ang main source ng kaniyang kita kaya hindi niya ito pwedeng bitawan ngunit sa public service muna daw ang kaniyang priority ngayon.
Pagbabahagi din niya na bago nagsimula ay kampanya ay natapos na din nila ang inaabangan international series na Cattleya Killer.
Nagpasalamat din si Arjo sa mga taong naniwala at bumoto sa kaniya, gayundin sa kaniyang pamilya at sa kaniyang nobya na ni Maine Mendoza.
Dagdag pa ni Arjo na ang pinakanagkumbinsa sa kaniyang pagtakbo ay ang kaniyang karanasan sa COVID-19. Si Arjo ay 31 taong gulang na at isang baguhan politiko. Siya ay anak ng batikang aktres na si Sylvia Sanchez at isa din siyang kilalang actor na nanalo ng Top Acting Prize sa Asian Academy Creative Awards noong 2020.
0 Comments