.

Paul Soriano, itinanggi na may offer na government position sa kaniya

 Sa isang interview sa ABS-CBN iginiit ng director at asawa ni Toni Gonzaga, na si Paul Soriano na may inialok sa kaniyang position sa gobyerno para sa papasok na bagong administrasyon ng presumptive president Bong bong Marcos. Ito ay taliwas sa mga haka-hakang siya ay inalok na maging Head ng Media Agency ng malacanan o ang Radio TV Malacanang (RTVM).

Ayon sa Direktor ay balik siya sa dati niyang trabaho sa paggawa ng mga pelikula at commercial. Bahagi din niya na siya ay kasalukuyang naghahanda para sa straight airing sa Netflix ngayong July ng comedy drama ni Alex Gonzaga na “The Untitled”.

Pagtatangi din ni Soriano na wala ding offer sa kaniyang puwesto sa Department of Tourism at Presidential Communications. Kung sakali mang kailangan ng tulong ng papasok na Administrasyon at kinakailangan na nandun siya ay handa daw siyang tumulong dahil patuloy siyang susuporta kay bong bong marcos.

Bahagi din ng director na ang kaniyang asawa ay excited na magbalik sa pag-arte at paghohost habang tuloy tuloy pa rin ang youtube show nito na toni Talks. Gayundin ay handa ding sumuporta anytime si Toni sa presumptive president na si Marcos Jr.




Post a Comment

0 Comments