.

Voice Season 1 Review : "There's another story behind the story we see."

After, I think, more than or around thirty hours I was able to finish the first season of Voice. Hindi po ako adik ngayon lang. So heto na nga. Voice is about a woman who can hear the slightest sound even malayo ang tunog she was able to hear it pero syempre with a certain range. It is a South Korean television series starring Jang Hyuk and Lee Ha-na. It aired every Saturday and Sunday on OCN from January 14 to March 12, 2017.And yes I am too late for this one, but let me just share you my thoughts.

I was not familiar with the actors but they were actually good. Jang Hyuk plays the role of Moo Jin-hyuk who is a detective who loss her wife to a psychopath and try to unveil it with Lee Ha-na who plays the role of Kang Kwon-joo which is a policewoman in 112 hotline who loss her father to the same psychopath. Kang Kwon-joo is the who can hear sounds clearly and identify voices which started after an operation 12 years ago. She heard the voice of Jin-hyuk's wife and her father's killer and with that in mind she and Jin-hyuk try to unveil who it was. They worked under a newly formed team called "Golden Time Team". Sila ang sasagot sa 112 and always the first team to go in a crime scene given the Golden Time Rule kung saan may limited na oras to handle the emergency cases bago intransfer sa ibang department.

Gustong gusto ko ang mga drama na ganitong genre tapos ang mga nagsosolve ay may kakaibang kakayahan just like "Remember:War of Son", "Memorist", "He is Psycometric", "I Can Hear Your Voice" and "While you were sleeping". Nakakadagdag sa excitement kasi dahil sa mga ability nila napapabilis ang paghuli sa mga salarin na kung sa totoong buhay baka cold cases na ngayon.

Isa sa nagustuhan ko sa Kdrama na ito ay ang napakadaming goosebumps moments. Goosebumps hindi dahil sa mga tumatawag sa 112 pero dahil sa mga kwento sa kabila ng mga tawag. Kumbaga for example, yung batang sinasak ng nanay at tumawag sa 112 na may mas malaki pa palang kwento. Goosebumps nung nakita siya sa washing machine. Spoiler alert pala, baka hindi niyo pa napanood. Isa pa yung sa mental hospital kung saan akala ay baliw lang kaya nagwawala pero may nagaganap na palang illegal medical practices. Who would have thought diba? Not what we all see is the reality, sometimes there's another story, bigger story behind the story we see. Isa pa sa goosebumps moments yung akala natin away lang ng landlady pero may mas malaki pa palang naganap sa apartment na iyon na may pinatay na pala at ang pangungulekta ng basura is a just a cover up para matabunan ang nangangamoy na bangkay. Kumbaga matatakot ka sa mundo and you will be more attentive to your sorroundings. Attentive na kumbaga baka may humihingi na ng tulong per hindi natin nakikita at nadidinig.

Moving on, may mga hinuha ako nung una kung sino ba yung culprit or yung psychopath. Una akala ko si Shim Dae-sik, pero hindi pala. Kumbaga nung hindi pa pinakikita yung face nung psycopath mapapaisip ka na baka sila. And it would be super shock at talagang goosebumps kung siya nga pero accomplice lang pala not totally accomplice sa pagpatay taga update lang about sa mga happenings at taga gulo ng mga investigations. So kung paano pinakilala ang psycopath, na CEO pala ng isa sa pinakamayaman na kumpanya sa city, ay hindi super thrilling. Pinakita lang siya na may meeting tapos yun na yun na malalaman mo na siya na pala yun. Which is hindi masyado nakakagulat at kumbaga normal lang na kaya hindi pa siya nahuhuli / nahuli agad kasi mayaman siya. Iba talaga nagagawa ng pera sa mundo na kayang baliin at ibahin ang katotohanan. And I always grateful sa mga taong nais ilabas ang katotohanan sa makasinungalingan na mundo na ito.

Pero kahit hindi nakakagulat kung paano ipinakilala sa plot yung culprit, tumaas ang balahibo ko nung nagkita na sila Moo Jin-hyuk, Kang Kwon-joo at ang culptrit na si Mo Tae-gu. Grabe yung taas ng balahibo ko lalo na nung nagsalita si Tae-gu at naidentify ni Kwon-Joo na siya yung hinahanap nila. 

 

The ending was great, kumbaga it was clean and you will thought na it was just like any other drama na hanggang season 1 lang. Unlike Dr. Romantic na talagang bitin kahit 21 episodes na ang season 1 na hahanapan mo talaga ng season 2. Dito sa Voice, parang naresolba yung pinakareason kung bakit siya naging Voice. Siguro ang tanong ko nalang is, without watching the season 2 yet, paano kaya nila ibinuild ang season 2? Some people says na it was not as good as season 1 or for them season 1 was still the best season out of the 3. And some says kaya hindi nila gusto kasi binago na ang cast na lalaki? Pero we'll see I'll keep you updated on my thoughts. Pero baka hindi ko siya tapusin na kasing bilis nito. Baka mabaliw na ako, need to relax at madami ding pinagkakaabalahan pero during my vacant time I'll watch and start season 2, and the other dramas recommended.



Post a Comment

0 Comments