I ask for recommendations about a good crime, mystery, law themed KDrama series and one of the most recommended is the Voice which currently have 3 seasons. I am actually a fan of this kind of drama. Pamilyar na ako sa Voice pero I haven't started watching it until now. At first sabi ko para kasing Signal siya na akala ko may naririnig siyang boses. I even started episode 1 before but I took 3 minutes only tapos exit agad.
Dahil sa nag uumapaw na recommendation at actually siguro maganda talaga siya kasi nga may tatlong season siya na super bihira sa mga KDrama na napapanood ko so sinimulan ko siya at my thoughts on the first episode was , maganda siya, I mean sobrang ganda niya. Siguro kung tinapos ko ang first episode noon baka natapos ko na siya ng mabilis until the season 3 kasi sobrang ganda pala ng mga sumunod na eksena nung inexit ko siya. Hahaha.
I finally understand kung bakit Voice siya, correct me if I'm wrong, kasi matalas ang pandinig niya after ng surgery niya before. And she has the ability to identify and differentiate voices dahil dun. She can even hear things a normal people would not hear or hindi masyado mapapansin. Actors are good as well, I am not familiar with them, but the lead policeman who loss her wife was good. Dama ko yung lungkot, sakit at gigil niya na talagang mapapaikot ka sa inuupuan mo.
For the lead woman, the one who has the ability to identify sounds and voice, gusto ko yung pagkakalmado niya. Though kalmado siya nadadama ko pa rin yung intensity ng character niya at yung kaba niya lalo na nung end ng episode 1.
All in all, bago magtapos ang episode one ang tanging nadama ko ay excitement with "Goosebumps". Tumaas talaga yung balahibo ko lalo na yung naidentify na nila yung barbershop pole. Yun talaga yung pinakagusto kong feeling kapag nanunuod ng mga ganitong klase ng series yung talagang giginawin ka hindi dahil sa malamig kung hindi dahil sa taas ng balahibo mo. Nadama niyo na ba yung ganon?
I think, matatapos ko ito basta bigyan lang ako ng mga goosebump experiences for the next episodes. I'll be back once I finish the first season. If you have some Korean Drama na highly recommended whether this kind of genre or not, comment it down and panoorin ko yan.
0 Comments