.

"Tayo'y magkalapit, pero tila ba kay layo sinta" | Everything has changed


Sa paglipas ng araw, unti-unti ding nagbabago.
Hindi ko lubos maisip na aabot sa ganito
Ang pagtingin ko sa iyo ay unti-unting naglalaho
Hindi dahil gusto ko, ngunit pakiramdam ko ito ang gusto mo


Masaya ako kung iisip noong mga panahong text mo ang laging nasa inbox ko
Masaya ako nung mga panahon na feeling ko gusto mo rin akong talaga
Ngunit noong nagdaang araw tila ba sadyang ang lahat ay nag-iba
Nasan na ba ang dating kislap ng ating pagsasama


Yung feeling na tayo'y magkalapit lang pero tila ba kay layo sinta
Yung nandiyan ka lang naman pero hindi tayo nagkikita
At tanging maririnig ko na lamang ay "ingat ka"
Kaysa sa mga salitang "Sasamahan kita"


Gusto ko sanang maging akin ka, ngunit parang imposible na
Umabot na tayo sa puntong patapos na at kailangang magpaalam pa
May komunikasyon pa, pero kamustahan nalang talaga
Musta ka? Ako mas mabuti kung tayo sana


Ngayon mundo'y muling naliligaw
Hindi ko alam kung saan patutungo at lilitaw
Ngunit nais ko pa rin saiyo magpasalamat
Woo, dito lang ako lagi para saiyo, Godbless at salamat :)


I wrote this and uploaded as a blog on October 17, 2016. Akalain mo may ganito akong drama?

Post a Comment

0 Comments