Disclaimer: This was originally posted on October 14, 2018
It was so long ago since I've felt this thing called LOVE. Napakarami na ang nangyari since the day I realize na mahal ko siya. Today, let me tell you my story. This was my first time telling it to the world, I was able to share parts of this story to my friends and now this is the whole story and POV. Swerte ka if mabasa mo ito and I know naman na matagal tagal pa bago malaman ng mga kakilala ko ang storyang ito dahil 'di naman sikat ang blog ko. Pero if ever mabasa niyo ito (to my friends in High School) nais ko lang sabihin na malalaman niyo na ang kwento ko, kwento ng pagmamahal ko sa kanya. Tama po kayo, my first true love experience was when I was in High School.
Hindi ko na masyado maielaborate yung story but I will tell you details about how I fall in love with this guy. Opo, lalaki din siya tulad ko. Noong high school ako, I was in denial na I am gay or bisexual or what. I really don't like labels, basta I just deny it everyday though napapansin naman nila kaya hindi na din big deal. At ayun na nga, una kong napansin ang kakulitan niya during flag ceremony nung unang araw ng pasukan. Tahimik nga kasi ako kaya kinikiliti niya ako. Alam niyo yung bigla ka niyang susundutin sa bewang, ganon. We are not that close during the previous years pero the way na mangulit siya kakaiba lang pero hindi pa ako nafall that time. Friendly gestures palang yun para sa akin.
Nagdaan pa ang ilang araw. Kakaiba na yung samahan namin, sabay kaming naglalunch bibili siyang ulam sa labas tapos sasabayan niya akong kumain. Lagi pa nga niyang binibili that time is Meatballs na may sabaw. Nakalimutan ko na yung tawag basta ayun na yon. Tapos magsheshare kami ng ulam, ang ulam ko ata that time ay laging ulam burger pero gustong gusto niya yun. Everyday yun ng aming first week of school. Then, I started to doubt the gestures. Sabi ko ayoko ng ganito, he is so nice and sweet. Parang ang hirap sa part ko kasi unti-unti na akong nahuhulog sa kaniya.
So heto na nga. Noong mga panahong iyon sabi ko I'll try avoiding him pero hindi yung avoid na avoid parang iiwas ko lang sarili ko na tumabi sa kaniya. Dahil nga sa sobrang tanga ko at dahil sa sobrang umaasa ako na sana gusto niya din ako I even asks for signs. First day the second week I ask for sign sabi ko kapag tumabi siya sa akin with me avoiding him ibig sabihin gusto niya ako. My gosh! I was stupid that time. I know that he is straight and here I am asking for sign hoping he likes me too. I really did fall in love with him, I mean I started falling in love with him even more when the sign happened. Tumabi nga siya sa akin and after that back to normal. Then I ask again on the next day kapag tumabi ulit siya ibig sabihin gusto talaga niya ako.
Pero sabi ko, magtatabi at magtatabi kami kasi nga nasa isang classroom lang kami and we started to bond kaya hindi maiiwasan ang ganun. Maybe nagpapakatanga lang ako so tinindihan ko yung pag aavoid ko sa kaniya pero tumabi pa rin siya sa akin. Hanggang magfriday, humihingi ako ng sign at yung sign lagi ay kung tatabi ba siya at nangyari nga iyon from Monday to Friday. So si tanga, that's me, hindi pa rin naniniwala kasi nga hindi naman talaga totoong magkakagusto siya sa akin. Sino ba naman ako? And honestly, hindi naman talaga niya ako gusto. Gusto ko lang isipin na gusto niya ako and sad to say sa pag iisip kong iyon may mga bagay na nangyari.
And I asked again for the last time, may practice kami ng sayaw for our Monday presentation sa flag ceremony. Walang upuan that time at imposibleng magtabi kami. So sabi ko, ngayon kapag tumabi siya gusto niya talaga ako. And MY GOSH! Naupo kasi ako sa kalsada, gumagawa talaga ako ng paraan, tapos tumabi siya. Sabi ko bakit ka naupo, sabay tayo ko. Hindi ko na maalala yung details that time pero alam ko iniwasan ko na siya that time.
Ang sakit isipin na sa sobrang kapraningan ko, sa sobrang pag iisip ko ng kung ano-ano ay lumayo na ang loob niya sa akin. Simula kasi ng araw na iyon, ay iniiwasan ko na siya. Hindi ko na siya kinakausap kahit kinakausap niya ako. Naging cold ako sa kanya kasi sabi ko ayoko ng umasa pa. Tama na. Alam ko naman kasi na hindi niya ako gusto at imposible din na magkagusto siya. He always asked me bakit iniiwasan ko siya until nagsawa na siya.
Hindi kami nagpansinan. Ang sakit! Kahit magkatabi na kami sa upuan kasi Top 9 siya tapos ako Top 10 during first grading, hindi pa rin kami nagpapansinan. I tried to talk to him pero siya naman ang umiiwas. Awkward na ang mga panahong iyon pero kahit ganoon siya pa rin ay mahal ko. Bago natapos ang 4th year nagpansinan na naman kami pero nagkakamabutihan na sila nung isa naming kaklase. The story of their love story begun when I ask the girl who is her crush in the classroom. I started guessing the name by asking if the name of his crush has a letter something and then after so many guess it seems that his crush is my love.
Si girl wants me and him to be okay. Kasi nililigawan na ni boy si girl and I was like Okay. May time pa nga na hindi ko na din pinansin si girl pero naging okay naman kami and we became super friends ni girl. Alam kong alam niya na gusto ko si boy kaya nanloloko siya minsan. I was happy for them, honestly. Minsan na nga lang hindi ko na iniisip na gusto ko siya para di ako masaktan. And I remember na there was a series of crying moments of me during that time. Pero sabi ko nga kung mahal mo, hayaan mo siyang maging masaya kung saan siya masaya. Ang haba ng blog na ito pero isa lang ang alam ko Minahal ko siya, at isa siya sa importanteng lalaki na bumuo ng kwento ng pagmamahal ko.
Ngayon sila pa rin ay may baby na sila. 6 years na din sila and I am wishing the best for them. It really makes me sad writing this blog kasi napakaraming nangyaring hindi maganda dahil sa pride ko. Napakapride kong tao kahit wala naman dapat at karapatan. Hayst. Pero naniniwala pa rin ako na darating yung araw na mamahalin ako ng isang tao ng tulad ng pagmamahal ko sa kaniya.
0 Comments