Ang aktres na si Jennica Garcia ay inamin na may kailangan siyang patunayan ayon sa isang panayam sa kaniya ng media habang siya ay naghahanda para sa kaniyang bago at unang proyekto sa ABS-CBN na “Dirty Linen”. Kailangan niya di umanong mapatunayan ang kaniyang sarili dahil hindi tulad ng ibang mga kasama niya ay hindi niya home-grown talent ng naturang network.
Si Jennica ay anak ng beteranang aktres na si Jean Garcia at unang sumabak sa showbiz noong taong 2007 sa ilalim ng GMA-7 at doon siya’y matagal na nagtrabaho.
Minsan na din siyang nagkaroon ng special appearances sa mga palabas ng ABS-CBN tulad ng Wildflower noong 2017 at Nang Ngumiti ang Langit noong 2019, ngunit ngayon lamang siya magkakaroon ng kauna-unahang full-pledge casting sa isang Kapamilya series at ito nga ay ang kakaanunsyo lang na bagong teleserye na handog ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment na “Dirty Linen”.
Ayon sa aktres na sobra ang kaniyang kaba at nais niyang mapakita at mapatunayan sa ABS-CBN na tama ang ginawa ng network na siya ang pinili na gumanap sa role na ibinigay sa kaniya. Ang kwento ng Dirty Linen at character ni Jennica ay hindi pa ibinubunyag. Ang naturang teleserye ay sa direksyon ni Andoy Ranay at Onat Diaz at nakatakdang magsimula ng lock in taping sa Hulyo.
0 Comments