.

FranSeth trending matapos ang pag-anunsyo sa kanilang bilang bagong Love Team, Andrea binati ang ex-boyfriend

Ang bagong tambalan nina Seth Fedelin at Francine Diaz na 'FranSeth' ay nagtrending nitong miyerkules sa Twitter matapos inanunsyo ng ABS-CBN ang tambalan ng dalawa sa pinakabagong proyekto at teleserye ng network na “Dirty Linen”.

Si Francine ay former love team ni Kyle Echarri samantalang si Seth naman ay former love team ni Andrea Brillantes at kapwa silang mga miyembro ng Gold Squad. Marami ng pinagsamahan ang apat bilang group love teams at solo love team na iba’t ibang mga proyekto. At ngayon ay tatahakin na nila ang iba’t ibang mga landas sa showbiz.

Ang nag-udyok sa management upang buuin ang bagong tamabalang ito ay ang tila pagtahak na nina Francine at Kyle ng magkaibang landas sa showbiz, nang magkaroon ng kontrobersiya sa pagitan nina Francine at Andrea, at ang pagbubunyag ng hiwalayan nina Andrea at Seth noong Oktubre.

Samantalang, si Andrea ngayon ay in a relationship sa basketball player na si Ricci Rivero. Ayon sa aktres ay nasa mabuting ugnayan parin naman sila ni Seth at sa katunayan ay nagcomment pa ito ng “Congrats” sa post ni Seth ukol sa bagong proyekto ng actor.

“It is what it is” banat naman nina Seth at Francine sa mga nagulat sa biglaang pagbabago ng kanilang mga love teams.

Nakatakdang magsimula ang lock in taping ng dalawa para sa Dirty Linen, Hulyo ngayong taon.


Post a Comment

0 Comments