.

Anji Salvacion ng Celebrity Edition, itinanghal na Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 Big Winner

 Mayo 29, 2022 - Ginanap na ang pinaka-engrandeng gabi ng ikasampung edisyon ng Pinoy Big Brother na Kumunity Season 10. Sa loob ng 32 weeks ay pumasok ang tatong kumunity ng mga housemates - ang kumunity ng sikat, ng adult at ng kabataang pinoy. 


Sa pagtatapos ng edisyon ay hinirang ang Big 5 Housemates na sina Samantha, Anji, Brenda ng Celebrity Edition, Isabel ng Adult Edition, at Rob ng Teens Edition.

Itinanghal na 5th Big Placer si Brenda Mage, mula sa Kumunity ng Sikat na nakakuha, ng 1.19% ng accumulated votes.


Nagpasalamat si Brenda sa mga tumulong sa kaniya at sumuporta at maging sa mga hindi sumuporta ay nagpasalamat din siya. Aniya ang mahalaga ay natuto siya at naging matibay na tao.


Sininuod na inanunsyo ay si Rob Blackburn, mula sa Kumunity ng Kabataang Pinoy, na itinanghal na4th Big Placer na nakakuha ng 4.01% accumulated votes.

Lubos at masayang nagpasalamat si Rob sa mga sumuporta at ayon sa kaniya ay hindi niya mahanap ang salita para sa pasasalamat.


At ang 3rd Big Placer naman na nakakuha ng 16.28% ay nagmula sa Kumunity muli ng Sikat na si Samantha Bernardo.


Ayon kay Samantha ang matouch ang buhay ng iba ay isang malaking karangalan na at para sa kaniya ay iyon ang isa sa mga purpose niya sa buhay.

Itinanghal naman si Isabel Laohoo mula sa Kumunity ng Adult na nakakuha ng 18.20% bilang 2nd Big Placer ng edisyon.


Nagpasalamat din si Isabel sa lahat ng Sumuporta sa kanya at ayon sa kaniya isang malaking opportunity ang pagpasok sa Big Brother House.


Ang nakakuha ng 40.42% ng combined total votes at itinanghal na Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 Big Winner si Anji Salvacion mula sa Kumunity ng Sikat.

Lubos ang pasasalama ni Anji sa Panginoon sa oportunidad na ibinigay sa kanya.

At dito na nagtatapos ang ika-sampung edisyon ng pinakasakat na bahay sa buong banasa ang Pinoy Big Brother Kumunity Season 10.

Post a Comment

0 Comments