.

Voice Season 2 Review : "Short but Awesome"

So I started Voice Season days after a finish season 1. Like what I've said in my first episode review, it has the same vibes but no more goosebumps. Yes, wala siyang goosebumps just like the season 1 pero maganda pa rin siya. May mga eksena pa rin namang may goosebumps pero not as much as the season 1 na talagang bawat kibot may taas ng balahibo feels.


Habang pinapanood ko siya actually I felt the vibe as well of The Flower of Evil or Psycopath Diary kung saan we don't know if masama ba talaga si Detective Do Kang-u dahil sa kaniyang blackouts at dahil na din sa scheme na ginagawa ni Bang Je-soo ang ating main kalaban for season 2. At first akala ko talaga siya yung hacker ng Season 1 dahil nga isa siyang keyboard warrior. And just like season 1 normal lang yung way ng pagpapakilala kay main kalaban.


Pero tulad din ng season 1 goosebumps nung nagtagpo na ang landas ni Director Kang Kwon-joo, Kang-u at Je-soo noong may hostage taking scenario sila para din makita nila si Je-soo. Tumaas at naexcite ako sa part na yun dahil finally they met pero walang gulat factor para sa mga bida. Ang may gulat factor ay nung nalaman na yung lagi niyang kasama ay isa pala sa kanilang kalaban, si Kwak Dok-ki. Isipin mo yung tao pinagkakatiwalaan mo , tao na lagi mong kasama at pinagsasabihan ng iyong mga kuro-kuro ay kalaban pala. 

Mas nathrill ako sa revelation nung mga kakampi ng kalaban. Kumbaga yung isa fried chicken house owner, isang detective tapos si Dok-ki. Diba? Yown talaga ang goosebumps na hindi mo maiisip na, teka, oo nga no? Siya nga.


Hindi ko din alam na hanggang episode 12 lang ang season 2. Kaya pala nagdoubt ako if maganda ba siya dati noong hindi ko pa pinapanood ay dahil ang season 2 ay hanggang episode 12 lang. Iisipin mo na parang tinapos agad kasi hindi maganda. Yun yung mindset ko before pero maganda naman siya super bitin lang kasi nga episode 12 at tinapos agad yung laban don.Ang ending nitong season 2 ay putol at mag eexpect ka talaga ng season 3. 


All in all, maganda siya pero hindi ko masasabing super maganda. Maganda siya at thrilling kumbaga na bigyan naman niya ng justice ang mga kaso at genre nito. Kumbaga hindi ako masyado hook na hook pero maganda. Sa season 1 kasi very useful nung hearing abilities ni Kwon-joo pero dito sa season 2 parang wala na naman masyadong effect. Sa season 1 yung niligtas yung bata nagamit ang tenga at nung naidentify ang kalaban gamit ang tenga, sa season 2 hindi eh parang wala masyadong tulong yung tenga doon lang sa pagpapatunog ng latex na gloves. 

Yung season 3, 16 episodes. Tignan natin kung babalik ang goosebumps natin.


Post a Comment

0 Comments