Sa social media post ni Jason ay ibinahagi niya na matapos ang tatlong taon nila bilang mag-asawa, sila ay maghihiwalay na.
Ayon pa sa kaniyang post ay pinakasalan niya umano ang kaniyang best friend na may intensyong makasama na ito pang habang buhay.
Dagdag pa niya sa post na bagamat tunay ang pagmamahal niya kaay Moira ay ilang buwan ang nakakaraan ay inamin niya sa singer na siya ay nagloko sa mga panahong sila ay kasal na.
Para kay Jason ay karapatan ni Moira na malaman ito kaysa magpatuloy ang hindi makatotohanang daan.
Sa pagtatapos ng kaniyang post ay humingi siya ng patawad sa lahat ng kaniyang nasaktan lalong higit kay Moira.
0 Comments