Umpisa palang ng series alam mo na this tackles about people who are dealing a lot of problem in their lives na ang tanging nagiging paraan na lamang nila to skip their problem ay sa pamamagitan ng pagkitil ng sarili nilang buhay which is mali. Bawat isa sa atin ay may kaniya kaniyang problema na kinakaharap at nasa sa atin na lamang kung papakain tayo sa problemang ito. If you look around napakaraming tao ang napakabigat ng problema pero kinakaya nila at lumalaban sila and that what should we keep in our minds.
Maganda ang pagkakalahad ng kwento at kung paano ginawang mas entertaining ang paghahatid nila ng nais nilang lesson sa manonood. Maaring ang mga pangyayari ay kathang isip lamang at maaring hindi nangyayari sa totoong buhay lalo na yung mga reaper na nagliligtas ng buhay but there will always someone in our life na magpapaalala sa atin na mahalaga ang buhay at hindi kamatayan ang solusyon sa kahit anong problema.
Honestly, ang mga kwentong ganito ang karapat dapat ibahagi sa mga naghahanap ng magandang panoorin na KDRAMA. Napakaganda ng nais ipahiwatig, maganda ang pagkakagawa ng animation at the actors was good. May mga funny scenes din pero mas madami ang mga eksenang tatagos sa puso ng manonood. Matapos kong panoorin ang dalawang episode ng Tomorrow , isa lang ang masasabi ko na "Life is really worth living".
Kaya sa mga taong nahihirapan at may mga pinagdadaanan kapit lang. Hindi ka nag-iisa sa laban maraming taong nakapaligid saiyo na nagmamahal sayo.
0 Comments