.

A Love So Beautiful Episode 1 Review : Korean vs Chinese


Sino na nga ang mas nagpakilig sa akin sa episode 1? A Love So Beautiful, if I am not mistaken, was an original series from China originally starred by Hu Yitian and Shen Yue. It is a romance comedy and now adapted by Korea starring Kim Yo Han and So Joo Yeon. I heard A Love so Beautiful when it was aired on the Philippines thru ABS-CBN but I haven't watched it tho that time. 
Yesterday, I saw on Netflix the Korean Version and having So Joo Yeon on the thumbnail. Sabi ko I want to know if maganda siya since kakatapos ko lang ng Dr. Romantic 2 na nandun si So Joo Yeon, so habang napakatraffic pauwi ay pinanood ko ang Episode 1. So far, maganda at cute siya lalo na kapag ngumiti na si Joo Yeon. 
Today, as of writing, I was able to finish the first episode of the original A Love So Beautiful, just to compare whether Korea give justice to it. And in my opinion they did and I enjoyrd more the Korean Version than the original one. Pero syempre mapapansin mo pa rin na kahit adaptation siya ay may mga ilang pagkakaiba.

Sa Original One, the series shows kung paano humantong sa pag-amin si Lead Girl, paano humantong sa pagdadala ng pagkain wherein sa Korean Version, basta naghanda siya ng pagkain to find ways paano siya magugustuhan. Sa Original kasi nagsesearch pa siya online ng mga steps, correct me in the comment section if I'm wrong baka nalaktawan ko yung sa Korean Version habang nasa byahe pero yun. Pero hindi ko napansin na nagsearch si Korean Version ng kung paano siya magugustuhan. Kumbaga nalinawan ako sa mga nangyari nung napanood ko yung original.

Pero mas bet o mas gusto ko kung paano nalaman na kanta yung ginawang letter ni Maon Lead Girl sa Korean Version kung saan kinanta ng mga kaklase niya habang binabasa ng teacher niya para ipahiya siya kaysa sa original version kung saan yung main lead ang nagsabi na kanta yung tulang ginawa at pinarinig niya. The main idea was there pero iba yung way ng pagtackle ng dalawa at saan ginanap yung eksenang yun. Sa classroom yung sa Korean , sa daan pauwi ang original.

All in all, parehas naman siyang okay. Pero mas nacute-tan ako sa Korean at mas naaliw baga. Ganda kasi ngiti ni Joo Yeon at mas pabeybi si Yohan. Ikaw anong mas bet mo? Base lang to sa opinyon ko aa. Let's see on the next episodes. 

Post a Comment

0 Comments